Simula nung matapos ‘yung event, naging parang tambayan na ng La Sombra ang bahay ni Cyruz na parang extension ng hideout nila, pero mas chill, mas tahimik, at mas normal. Lagi silang nandito. sina Allain, Blue, Hera, Vienna, Chad, at Shawn ay nagtatawanan, nagkukulitan, o minsan sabay-sabay lang nagbabantay habang nagkakape o nagluluto ng kung anu-ano. Minsan, habang nakaupo lang si Kazmiyah sa veranda, napapaisip siya kung kailan nga ba huling naging ganito si Cyruz. Kung kailan huli niya itong nakitang tunay na ngumiti. “You know what, I’ve never seen Cyruz smile like this. Madalas masungit ‘yan,” komento ni Vienna, habang pinupunasan ang kamay niyang may mantika ng inihaw. Napatingin si Kazmiyah sa direksyong binanggit. Si Cyruz, nakasando lang at naka-apron habang nag-iihaw. Pawis na pawis pero kalmado. “Yeah, I can see the changes in him,” sang-ayon ni Hera. “It’s normal to smile like that, especially if you’re with someone you love,” dagdag ni Shawn. “That’s not yo
Terakhir Diperbarui : 2025-10-18 Baca selengkapnya