Lumipas ang mga linggo. Nahuli si Victorio. Sa umpisa, akala ng lahat mabilis na matatapos ang problema. Akala nila kapag nahuli ang lalaki, susunod na rin ang sagot tungkol kay Kazmiyah. Pero mali sila. Mula unang araw ng pagkakahuli nito, Wala itong maibigay na tamang sagot. Bawat clue ay dead end. May pinuntahan ailang lumang warehouse aubalit Wala naman itong laman. ni isang bakas na andun ai kazmiyah ay Wala. May pinabuksan siyang storage unit na puro sirang gamit lang. May ipinahukay siyang lumang lupaing walang nakabaon kundi kalawang na bakal. Tuwing babalik ang team na pagod at galit, ngingisi lang siya. “Too slow,” sasabihin niya. Sa bawat araw na lumilipas, lalong umiinit ang galit ni Cyruz. Ngunit habang tumatagal, isa-isa ring nawawala ang lakas ni Victorio. Ang mga natitira niyang tao ay nahuli, nagtago, o tumalikod. Ang mga safe house niya ay nasunog o kinuha ng LaSombra. Ang mga kaalyado niya ay nagpanggap na hindi siya kilala. Hanggang
Read more