NAPAKATAHIMIK ng kalangitan ng Subic safehouse habang ang liwanag ng umaga ay tuluyang sumabog. Nakatayo si Thoryn sa tabi ng nakabukas na trunk ng kanyang SUV, nanlalamig ang mga daliri habang nakatitig sa kanyang mga magulang. Sa kanyang likod, nakalabas sa duffel bag ang kanyang dalawang suppressed SIG Sauer pistols, ang mga ekstra na magazine, at ang kanyang Task Force kevlar vest.Dahan-dahang naglakad palabas mula sa pintuan ng safehouse sina Caelan, Kira, at Damon nang marinig ang huminto na mga sasakyan sa labas.Napatigil si Caelan sa tabi ng kanyang kapatid. Bagamat nakabalot pa rin sa sterile bandage ang kanyang kanang balikat at arm, pilit siyang tumayo nang maayos sa tabi ni Thoryn. Nakatayo naman sa likod nila sina Kira at Damon, parehong maagap, maingat, at nagpapakita ng matinding respeto sa mag-asawang Montclair.Nakatitig si Talia sa kanyang dalawang anak. Nanginig ang mga labi ng ina habang ang mga luha ay mabilis na pumatak sa kanyang mga pisngi. Tiningnan niya an
Leer más