NAPAKATAHIMIK ng buong Presidential Suite sa ikasampung palapag ng Salvatore General Hospital. Maliwanag at mainit ang sikat ng araw na pumapasok sa malaking glass window, habang ang sariwang amoy ng mga puting rosas at orchids sa ibabaw ng wooden side table ay dahan-dahang humahalo sa amoy ng mga sterile antiseptic solution. Sa labas ng pribadong silid, maagap na nagbabantay ang dalawang Montclair Vanguard security operatives upang tiyakin ang ganap na seguridad ng buong palapag. Sa gitna ng malawak na silid, nakahiga si Damon Vance sa ibabaw ng automated hospital bed.Naka-unbutton ang kanyang dark blue hospital gown, na nagpapakita ng malinis, bago, at maayos na pagkakalagay ng mga sterile bandages sa kanyang dibdib at tiyan, ang lugar kung saan matagumpay na tinanggal ang tatlong pellets mula sa shotgun noong nakaraang araw. Bagamat may bahagya pa ring pamumutla sa kanyang mukha at nakakabit pa ang IV line sa kanyang kamay, ang kanyang kulay tsokolate at matatalas na mga mata ay
더 보기