Ngumiti nang tipid si Dani. “Kita mo na, Enzo? Magkaiba tayo ng mundo. Hindi lang ikaw ang nakakaalam niyan, pati ako…”“Just give me some time,” biglang putol ni Enzo.Naningkit ang mga mata ni Dani, pilit na inuunawa ang sinabi nito. “Anong sabi mo?”****Sa loob ng apartment,Pumasok si Luna at nagpalit ng sapatos. Dumapo ang kanyang tingin sa lalaking hindi kalayuan, at nakahinga siya nang maluwag. “Thank you pala sa tulong mo kay Dani.”Ngumiti nang makahulugan si Hunter. “Bakit ka nagpapasalamat? Isn't it what you deserved?”Iyinuko ni Luna ang ulo, bahagyang namula sa hiya. Naintindihan niya. Ito ang kabayaran na nakuha niya kapalit ng kanyang katawan.Bago pa siya lamunin ng kanyang nararamdaman, naglapag si Hunter ng isang dokumento sa mesa. “Sign this.”Lumapit si Luna, at bumungad sa kanyang mga mata ang apat na makakapal na salita sa itaas ng papel. “Kasunduan ng Pagbebenta ng Sarili.”Tumingala siya rito, pero kalmado lang ang ekspresyon nito, tila ba isang transa
Baca selengkapnya