Sandaling natigilan si Luna, nanginginig ang kanyang mga pilik-mata. Sa ibang pagkakataon, hindi na siya magugulat sa mga salitang iyon. Pero sa sandaling ito, talagang hindi niya iyon inaasahan.“Don’t worry, it’s not a real divorce.”Napag-isipan na ni Ralph ang lahat nang pumayag siya sa hiling ni Aubrey. Hinawakan niya si Luna sa mga balikat at bahagyang yumuko para mapantayan ito. “It’s just a temporary divorce. Hindi na natin kailangang i-file ang certificate.”Mabilis na nabawi ni Luna ang kanyang sarili. Malamig, mahinahon, at kalmado ang kanyang boses. “Ayos lang din naman sa akin kung totoong paghihiwalay na.”Basta ba si Ralph ang magsisimula. Sa ganoong paraan, hindi na niya kailangang ituloy ang tinatawag na "kontrata" nila ng mama nito.“No.” Agad na tanggi ni Ralph. Sa sandaling marinig ang mga salita ng asawa, isang hindi maipaliwanag na kaba ang sumibol sa kanyang dibdib. Pakiramdam niya, oras na lumabas ang annulment certificate, tuluyan na itong mawawala sa kanya.
Baca selengkapnya