Agad na nanigas ang likod ni Luna sa tinuran ni Aubrey. Kung sila ni Hunter ay talagang nasa isang tunay na relasyon, aaminin niya ito… Pero hindi. Para lamang silang magkalaguyo. Isang ugnayan na sigurado siyang kakamuhian ng lahat kapag nabunyag. Siyempre, walang sisisi kay Hunter. Siya ang sisisihin ng lahat. Aakusahan siyang ginamit ang ‘kinakapatid card’ para makuha ang loob nito sampung taon na ang nakaraan, at ngayon, para lamang kumapit sa pamilya Montenegro at sa kapangyarihan nito, pumayag siyang maging babae nito. “Aubrey!” malamig na putol ni Ralph sa babae. “What nonsense are you saying? Magkapatid ang turingan nina Luna at Hunter.”Pinutol ni Luna ang ugnayan kay Hunter noon para lamang pakasalan siya. Sa puso ni Ralph, naniniwala siyang malinaw ang nararamdaman nito sa pagitan niya at ni Hunter. Kaya naman, kailanman ay hindi siya naghinala ng anumang masama sa dalawa.Kumunot ang noo nina Miguel at ng iba pa, sabay tingin kay Ralph. “Ralph, pare, bakit hindi mo
Baca selengkapnya