Alam ng lahat ng nasa kuwarto na ‘yon kung ano talaga ang nangyayari.Hindi lang pala ang mga kamag-anak ang takot na takot sa buhay na demonyong si Hunter Montenegro; pati mismo ang matandang Nancy Montenegro—ang lola nila—ay talagang nanginginig sa takot sa kanya… Gising na gising talaga ang matanda pero nagtutulog-tulugan lang ito dahil sa takot.Walang gustong masalo ang galit ni Hunter, kaya dahan-dahan at kusa silang lumabas para bigyan siya ng space ang dalawa. Isa pa, humihinga naman ang matanda, at sinabi ng doktor na nahimatay lang ito bigla at wala naman talagang panganib sa buhay niya. Ibig sabihin, hindi muna mapupunta kay Hunter ang mana…Inisip na lang nila para maaliw ang sarili na hindi naman siguro ganoon kabaliw si Hunter para pilitin ang matanda na pirmahan ang paglipat ng mga properties; kung sa bagay, hindi naman basta-bastang magpapakatanga ang isang Nancy Montenegro. Nang dinalaw ng katahimikan ang kuwarto at si Hunter na lang at ang matanda ang naiwan, naupo
Magbasa pa