Kahit medyo mabagal ang pickup ni Elmer, alam na niya ang dapat gawin sa mga ganitong sitwasyon. Ramdam niya ang biglang paglamig ng aura ng amo niya, kaya mabilis siyang lumapit at naiilang na inabot ang nagba-vibrate na phone kay Hunter."Heto po, Boss."‘Naku, Miss Luna! 'Wag niyo po akong sisihin, ha! Hindi ko po kasalanan 'to!’ Sa loob-loob ni Elmer, sinusumpa na niya ang kasamahan niya. ‘Kasalanan 'to lahat ni Emilio, napakatuso ng bwisit na 'yun! Sobrang traydor!’Kinuha ni Hunter ang phone. Ni hindi man lang niya pinag-isipan ang green button; malamig niyang ni-reject ang tawag gamit ang hinlalaki niya. "Where is she?" "Ano po—" Nag-hesitate si Elmer, pero sumingit agad si Emilio na boses-sipsip at nagmamagaling. "Nasa likod po ng mansyon, Boss, nagdidilig ng halaman."“Hmm,” tanging sagot ni Hunter at naglakad na papuntang garden.Nang mawala na ang boss nila sa paningin nila, lumingon si Elmer at pinandilatan si Emilio habang nagngangalit ang mga ngipin. "Ang dumi mong magla
Read more