Tatlong buwan na ang lumipas.Tatlong buwan mula nang tuluyan kong ginulo ang mundo ng mga Jimenez. Tatlong buwan mula nang ako naman ang naging target ng buong sistema na matagal nang bulok. Tatlong buwan mula nang tumakbo ako—hindi dahil duwag ako, kundi dahil kailangan kong mabuhay.At ngayon, heto ako. Nakatayo sa gitna ng malawak na lupain, tanaw ang mga baka at kambing sa di kalayuan. Ang hangin dito ay iba, malinis, tahimik, at parang wala kang kasalanang kailangang ikubli.Pero sa loob ko, hindi pa rin payapa ang lahat.Hindi ko namalayang nakatingin lang pala ako sa kawalan nang marinig ko ang boses na halos hindi ko inakalang muli kong maririnig sa buhay ko.“Celeste! Kakain na tayo! Kailangan mo na ring inumin ‘yong gamot mo!” tawag ni Selene, ang dati kong best friend. “Hoy! Huwag kang tumanga diyan, malamig dito!”Napangiti ako nang mahina bago ako humarap sa kanya. Nasa may pintuan siya ng maliit na bahay, nakapatong ang isang kamay sa tiyan nito na malaki na. She was he
Last Updated : 2025-11-30 Read more