Napasinghap ako nang marinig ko iyon. Muli ay biglang bumalik ang takot na bumabalot sa puso ko dahil sa sinabi niya. Hindi ko iyon naintindihan ngunit tila nagkaroon ng ideya ang isip ko kung bakit sila naging ganito sa akin. Kaya pala...Napangiti ako nang mapait at iniwas ang tingin sa kanila. Doon ko nakita ang anak kong nakatanaw lang sa akin na tila gulong-gulo habang nakatayo lang sa pintuan kaya lalo akong napahagulhol."U-umalis na kayo..." Tuluyan nang nabasag ang boses ko at mabilis na tiningnan sila."U-umalis na kayo at huwag na kayong umasa pa na makukuha ninyo sa akin ang lahat. Kung may kasalanan man ako rito, iyon ay ang hinayaan ko kayong abusuhin ako. Siguro nga tama kayo na dahil sa akin nanganib ang buhay ni uncle Leon, pero mas tama lang na sira na ngayon ang pamilyang iniingatan mo. This will be the last time you will hurt me, and I will forgive you because the next, I might start hurting you back... triple," pinal na sinabi ko at iniwan na sila roon.Mabilis ko
Terakhir Diperbarui : 2025-12-16 Baca selengkapnya