"Kuya, that's not true! Gusto lamang namin malaman kung totoong buntis ang babaeng iyon dahil malaki ang hinala namin na ibang tao siya!" Inis na paliwanag ni Gladys sa kapatid. Ngunit mukhang lalo lamang nagalit ang kapatid, huli na upang lumayo rito.Pak!Tigagal sina Shane, Tanya at Rosita nang marinig ang malakas na lagapak ng palad ni Denver sa pisngi ni Gladys. Tulalang napatitig si Gladys sa kapatid at parang namanhid din ang bibig at hindi na maibuka. Ilang sandali pa ay nasapo niya ang pisnging mahapdi dahil sa lakas ng pagkasampal sa kaniya ng kapatid."Denver, bakit mo sinaktan ang kapatid mo?" Galit na itinulak ni Rosita ang binata palayo sa anak niyang dalaga. Awang awa siya sa dalaga at hindi lang basta namula ang pisngi nito, nagkulay ube ang gilid niyon."Kasalanan niyo po kung bakit nagkaganyan siya!" Angil ni Denver sa ina.Namula ang pisngi ni Rosita dahil sa galit at pagkapahiya. Sina Shane at Tanya ay mukhang umurong na ang mga dila at hindi makapag salita. Mukh
Last Updated : 2025-11-30 Read more