Pagdating ni Shane sa hospital kung nasaan ang ina ay nagmamadali siyang pumasok sa silid. Ang isa sa katulong nila ang naroon at sinasabunutan na ng ina niya."Hayop ka, ilabas mo ang anak ko!" Singhal ni Tanya sa katulong."Aray, bitiwan mo po ang buhok ko, senyora! Hindi ko po alam kung nasaan ang anak ninyo at hindi ko rin diya itinatago sa inyo!" Pagmakaawa ng katulong at kanina pa hawak ng ginang ang buhok niya. Ang akala niya ay matino na ito at ang hinahon nito nang tawagin siya at pinalapit dito. Grabe ang lakas pa nito kahit isa lang kamay ang gamit dahil ang isa ay nakatali para hindi tuluyang makaalis sa kama."Sinungaling! Isa ka sa kampon na alagad ng demonyong iyon!" Nanlilisik na ang mga mata ni Tanya at lalong humigpit ang hawak sa buhok ng katulong. "Mom, tama na at andito na ako!' Pasigaw na ani Shane saka nagmamadaling lumapit sa ina. Parang batang nahuling nambu bully ng iba si Tanya at kumurap kurap ang mga matang tumitig sa anak. "Mom, hindi mo dapat sinasakt
Read more