"Boss, bigla pong nawala si Ronald at hindi na namin nasundan." Report ni Alex mula sa kabilang linya.Napamura si Xavier, si Ronald lang ang way niya upang malaman ang kinaroonan ng dalaga. Gusto lamang niyang masigurong ligtas ito at lihim na pabantayan. Namaalam kasi si Ronald kanina na dadalawin umano ang lola na may sakit at agad naman niyang pinayagan. Gumamit na ng ibang sasakyan ang tao niyang sumunod kay Ronald pero mukhang napansin pa rin kaya iniligaw ang mga ito."Next time po ay ako na mismo ang susunod sa kaniya, sir." Imporma ni Alex.Tumango si Xavier kahit hindi nakikita ng kausap na nasa kabilang linya. "Huwag magpahalata at baka lalong lumayo sa atin.""Yes, boss."Mabilis na ibinulsa ni Xavier ang cellphone matapos ibaba ang tawag. Aalis na sana siya nang tawagin siya ni Tanya."Xavier, may lakad ka ba?" Malumanay na tanong ni Tanya sa binata. "Ano ang kailangan mo?" Malamig na tanong ng binata sa ginang.Pilit na ngumiti si Tanya sa binata, "wala kasing kasama s
Last Updated : 2025-12-10 Read more