"Nagbago na ba ang isip mo na dito tumira?" tanong ni Xavier sa dalaga. Mabilis na umiling si Karen at tuwid na tumingin sa ina ni Denver na kung tingnan ay parang isang mabait na ina."Karen hija, masaya ako at ligtas kang nakabalik!" Niyakap ni Rosita ang dalaga nang makapalapit dito. Ngunit nagulat siya nang itulak siya nito. "Ate, bakit ginaganyan mo si mama? Masama bang yakapin ka dahil sa tuwa?" Malungkot na tanong ni Gladys sa hipag."May alergy ako sa plastik." Maiksi ngunit makahulugang tugon ni Karen sa hipag."What—""That's enough!" Putol ni Denver sa iba pang nais sabihin ng kapatid saka tumingin sa asawa. "Come, nagpaluto ako ng paborito mong pagkain." Masuyo niyang hinawakan sa braso ang asawa at inakay papasok ng bahay. Kung noon ay parang nag aalangan siyang hawakan ito dahil parang wala siyang karapatan, ngayon ay bumalik ang pakiramdam niyang pag aari niya ito.Napatingin si Leo sa amo na nakapamulsa ang mga kamay habang naglalakad. Gustong tumaas mga kilay niya a
Last Updated : 2025-12-20 Read more