"Ate, act normal sa harap ni Xavier, tulad sa itinuro ko sa iyo." Paalala ni Kiana sa kapatid habang sinusuklay ang buhok nito.Tumango si Karen at hindi na nagtanong pa dahil ramdam niyang hindi pa handa ang kapatid magsabi ng iba pang ganap sa buhay nito."Done, you look beautiful!" Puri ni Kiana sa kapatid matapos itong suklayan.Inirapan ni Karen ang kapatid at kung makapuri ay parang hindi sila magkamukha.Tinawanan ni Kiana ang kapatid at niyakap mula sa likod then tumingin sa salamin na nasa harapan nila. "Mga anak, dumating na si Deborah." Tawag ni Lolita sa dalawa mula sa bungad ng pinto. "Mag ingat kayo sa inyong lakad!"Nakangiting lumapit si Karen sa ginang at niyakap ito. "Maghihiwalay na naman po tayo. Huwag po kayong mag alala at dadalawin ko kayo dito kapag nakaluwag sa oras."Naluluha na tumango si Lolita at gumanti ng yakap sa dalaga."Magsasama din tayong muli na tatlo sa bahay soon kaya huwag na kayong malungkot." Pinaghiwalay na niya ang dalawa bago pa mag iyakan
Last Updated : 2025-12-17 Read more