"Ahhh, ano ba itong pinagsasabi ng isipan ko?" Nasabunutan ni Tanya ang sariling buhok at natakot sa sarili na para bang may multong hihiwalay sa katawan. Mariing ipinikit ni Tanya ang mga mata at pilit na nilabanan ang pag isip nang hindi maganda. Hindi niya alam kung gaano siya katagal sa ganoong posisyon lang. Nakatulog nga yata siya dahil pagtingin sa orasan na nakasabit sa dingding ay ala una na. Nalipasan na pala siya ng gutom at hindi pa nakapag almusal kanina. "Aray, bakit ba dito ako nakatulog?" Daing niya nang maramdaman ang pangangalay ng buong katawan, lalo na ang mga kamay at binti. Dahan dahn siyang tumayo saka uminat bago nagpasyang bumaba na upang kumain. "Good afternoon po, mam." Bati ni Babilyn sa ginang na mukhang bangag dahil nasobrahan ng tulog. "Nasan si Karen?" Tanong ni Tanya at ang babae agad hinanap. Baka kasi kung ano na ang ginagawa, managot siya sa asawa. "Natutulog po, mam. Kakain na po ba kayo?" tanong muli ni Babilyn sa ginang. "Bakit hindi
Last Updated : 2026-02-02 Read more