"Walang kuwenta itong nangyari ngayon!" Nairitang ani Tanya nang wala na sina Xavier."Nilingon ni Sergio ang pinsan. "Kumusta na si Karen sa bahay ninyo?"Ngumiti bigla si Tanya. "Sa tingin ko ay umiipekto na ang gamot na pinaiinum sa kaniya.""Good, ilang araw pa at tuluyang mawala siya sa sarili, iyan ang kunin mong pagkakataon at iharap siya sa board of director."Nakangising tumango si Tanya sa pinsan saka naisipang tawagan ang anak."Mom, hindi ka pa ba uuwi?" Naiinis na tanong ni Shane sa ina."Bakit ganyan ang tono mo?" nagtatakang tanong ni Tanya sa anak."Si Karen po kasi, grabeng epal at parang baliw sa kakulitan." Naiiritang sumbong ni Shane sa ina.Magtatanong pa sana si Tanya nang marinig ang boses ni Karen mula sa kabiyang linya."Dad, matutulog na po ako at ayaw ko ng isturbo kaya e lock ko ang pinto." Inaantok na turan ni Kiana bago humikab.Pati mga mata ni Tanya ay nakangiti na dahil sa mga naririnig mula sa kabilang linya. Umiippekto na talaga ang gamot sa babae.
Last Updated : 2026-01-30 Read more