"Tubig!" Mukhang uhaw na uhaw na uingi ni Tanya sa anak. Tarantang binuksan ni Shane ang maliit na refrigerator na naroon lang din sa silid ng mga magulang at kumuha ng malamig na tubig. "Mom, here, drink this!" Hinagod hagod pa niya ang likod ng ina habang umiinum ito ng tubig."Ano ang ginawa nila sa akin?" Kabadong tanong ni Tanya habang sapo ang sariling dibdib."Ano po ang ibig ninyong sabihin, mom?" Nagtatakang tanong ni Shane sa ina."Ang ama mo, kasabwat niya ang doctor at gusto akong patayin!" Nanlaki ang mga mata ni Shane dahil sa gulat. Nagulat siya hindi dahil sa bintang ng ina sa ama niya kundi dahil sa sinabi nito. "Mom, ano ba naman iyang pinagsasabi mo?" Kunot noo niyang tanong dito."Ang daddy mo, tiyak may itinutok sila sa akin ng doctor na iyon!" Tarabtang sinuri ni Tanya ang magkabilang brado.Natakot na si Shane dahil mukhang wala sa sarili ang ina at kung ano na lang ang pinagsasabi. "Mom, wala po silang ginawa sa iyo at nakita kong sinuri ka lamang ng doctor."
Last Updated : 2026-02-09 Read more