Nainsulto si Rosita sa sinabi ni Nadia pero hindi niya magawang magalit dito. Alam niyang hindi nito intension na idamay sila at gusto lamang insultohin ay si Trexie."Hayop kang muchacha ka, bawiin mo ang sinabi mo!" Galit na tinabig ni Trexie ang balikat ni Gladys upang sugurin ang katulong ngunit natigilan siya at napaurong bigla ng hakbang. "Sige, subukan mo akong saktan na gaga ka at malandi!" Inumang ni Nadia ang kutsilyo sa babae. Nainis si Gladys nang gawin siyang pananggalang ni Trexie at nagtago ito sa likod niya. Ang tapang nito magsalita pero duwag naman pala kapag lumaban na ang kalaban nito."Nadia, ibaba mo iyang kutsilyo mo at baka maitulak ka ng kapwa mo demonyo at masaksak mo ang anak ko." Pakiusap ni Rosita."Talagang nakaka demonyo ang hilaw mont manugang na iyan!" Inis na turan ni Nadia saka ibinaba ang kamay pero hawak pa rin ang kutsilyo bilang panakot kay Trexie."You old bitch!" Singhal ni Trexie sa katulong pero parang pagong na hindi mailabas ang ulo at n
Read more