"Huwag kang kabahan, nandito lang ako." Bahagyang pinisil ni Denver ang palad ng asawa.Pilit na ngumiti si Karen sa asawa saka nagpasalamat. Pero hindi pa rin nabawasan ang kaba niya. Dapat talaga ang kakambal niya ang narito ngayon. Hindi pa naman siya magaling umakting na baliw baliwan. Sa opisina ng ama muna sila dumiritso."Anak, inumin mo muna itong tubig upang mabawasan ang kaba mo." Inabot ni Troy ang basong may malamig na juice."Thank you, dad, pero hindi po ako nauuhaw." Malumanay niyang tanggi sa bigay ng ama. Natatakot kasi siya at ibang gamot ang nailagay doon ng ama."Babe, inumin mo na at nakabubuti iyan sa iyo." Udyok ni Denver sa asawa sa kaalaman na gamot sa sakit nito ang inihalo ng beyanan.Mariing naglapat ang mga ngipin ni Karen at dismayado sa asawa. Hindi niya alam kung ano ang eksaktong sinabi ng ama dito kanina pero alam ng asawa ang tungkol sa nakakabuti umano sa kaniya ang inumin. Sure siyang may idea ito tungkol sa pinaiinum sa kaniya ng ama niya. "Anak,
Zuletzt aktualisiert : 2026-02-21 Mehr lesen