"Tanya, nakikilala mo pa ba ako?" tanong ni Perez sa ginang. Kapag sila lang ang magkakaharap ay ganoon ang tawag niya rito dahil mag pinsan sila.Naiiyak na tumango si Tanya at mukhang nakahanap ng kakampi nang makita ang pinsan. "Tulungan mo ako, pinaiinum niya ako ng gamot!" Turo niya kay Troy habang naglilikot ang mga mata.Parehong nanlaki ang mga mata nila Shane at ng ama dahil sa sinabi ng ina. "Mom, bakit niyo po nasabi ang bagay na iyan?""Mag ingat ka sa demonyo na iyan dahil baka pati ikaw ay lasunin niya rin katulad sa ginawa niya sa akin at kay Karen!" Hintakutan na ani Tanya at kahit walang lakas at nagpumilit na sumiksik sa headboard ng kinahigaan."Damn, what the hell are you talking about, Tanya? Wala akong ginawa sa iyo at—""Huminahon ka at lalo mo lang pinalala ang sitwasyon niya." Putol ni Perez sa pagsasalita ni Troy. "May mali sa mga nangyayari at kailangan nating malaman ang puno't dulo!"Napabuga ng hangin sa bibig si Troy at nairitang umupo sa bakanting upuan
Zuletzt aktualisiert : 2026-02-25 Mehr lesen