"Hayop siya, papatayin ko siya!" Nagpupuyos sa galit ang kalooban ni Tanya at hindi matanggap na naisahan siya ni Karen."Mom, huminahon po kayo at huwag munang bumangon." Pakiusap ni Shane at nag aalala sa ina dahil baka mag over think na naman. Bawal pa dito ang mag isip nang husto at magalit dahil nati trigger ang sakit. Kapag hindi nito ma control ang emotion ay mawawala na naman sa sarili."No, paano ako hihinahon kung nautakan ako ng babaeng iyon? Tiyak na pinagtatawanan niya ako at—at..." hindi niya maituloy ang sasabihin dahil naba blangko ang isipan. "Ahhh, papatayin ko ang babaeng iyon! Hayop siya, hindi ako ang dapat narito ngayon kundi siya!"Mabilis na niyakap ni Shane ang ina at naghistirika na dahil sa galit. "Honey, tama na. Huwag kang mag alala at maging ok ka rin." Masuyong pang aalo ni Troy sa asawa. Hindi niya maaring gatungan ang galit nito ngayon. Pero ang totoo ay kasalanan talaga nito. Alam na palang may kakaibang nararamdaman sa katawan ay hindi pa naging al
Zuletzt aktualisiert : 2026-02-28 Mehr lesen