Nanlaki ang mga mata ni Tanya at gusto sanang ipagtanggol ang sarili ngunit hindi natuloy nang magsalita muli ang asawa."Alam mong baliw ang ina mo tama?" tanong ni Troy habang mataman na pinagmamasdan ang anak.Nakagat ni Shane ang loob ng ibabang labi at hindi masagot ang tanong ng ama. Kasabwat siya ng ina kaya kailangan niyang panindigan iyon. Pero dahil ganoon nga ang pinalalabas nila, talagang baliw na rin ang turing ng ama sa ina niya ngayon.Shane, kapag nagsisinungaling ka at nakipag sabwatan sa iyong ina na gawan ako ng masama saka sina Kiana, kakalimutan kong anak kita at siguradohing magsama kayo ng iyong ina sa kulungan!" Seryusong banta ni Troy sa anak."Dad, mahal ko po kayo at hindi gustong mapahamak, katulad ni mommy!" Umiiyak na ani Shane. Totoo ang mga sinasabi niya, kaya siya nagsisinungaling upang hindi mapahamak ang ina. Pero ayaw niyang masaktan pa ang ama ng ina niya. "Good, kaya naintindihan mo ako ngayon kung bakit ko siya pinusasan?" tanong muli ni Troy sa
Magbasa pa