"Sorry at wala ako ng mga oras na iyon na higit mong kailangan ang tulong ko at karamay." Ramdam ni Karen na nagsisisi ang asawa. "Galit ako sa iyo noon dahil pinararamdam mo sa akin na wala akong halaga sa buhay mo, maging ang batang dinadala ko sa aking sinapupunan." Hindi na niya itinago ang saloobin.Bumagal ang pagpatakbo ni Denver sa sasakyan saka itinabi sa isang tabi bago hinarap ang asawa. 'I know at habambuhay kong dalhin sa kunsesnya ko ang pagkawala ng una sana nating anak!"Tumingin sa unahan ng sasakyan si Karen kahit alam niyang nakaharap sa kaniya ang asawa. "Ipinapangako ko sa aking sarili na kahit gaano ako ka busy sa trabaho ay ikaw ang priority ko na at hindi pabanayaan."Alam ni Karen an tinutupad na ng asawa ang bagay na iyon. Ito nga ang reason at kasama siya ngayon. Ayaw naman niyang maapiktohan ang trabaho nito dahil sa kaniya kaya napilitan na siyang sumama rito, ayaw kasi nitong umalis na hindi siya kasama. "Babe, alam kong nabawasan na ang pagmamahal mo
Read more