Naluluhang napatitig si Troy kay Karen nang makita ito. Kahit papaano ay naibsan ang sakit na nadarama sa kaniyang ulo nang makita ang isa pang anak na na may utang siya at malaki ang pagkukulang dito. Nakilala niya agad ito dahil magkaiba na ng buhok ng kambal. "Anak, may kasama ka ba?"Umiling si Karen saka lumapit sa ama upang halikan ito sa noo. "Kumusta po ang pakiramdam ninyo?""Ok lang ako, anak, lalo na at nariyan ka." Naaawang pinakatitigan niya ang ama. Ang laki na ng pinayat nito at mukhang biglang tumanda. "I'm sorry, anak!" Huminga nang malalim si Karen at sa tuwing nakikita siya ng ama ay humihingi ito ng tawad."Sa inyong magkapatid ay ikaw ang dumanas nang husto nang hindi tamang trato mula sa akin." Malungkot na ani Troy habang hindi inihiwalay ang nangungusap na mga titig sa anak."Dad, bakit ayaw mong magpa opera?" Malayo niyang sagot sa ama upang tumigil na ito. Hindi siya sanay na makita itong mahina at mukhang nawalan na ng pag asang mabuhay nang matagal."Ana
Magbasa pa