"Mommy!" Humagulhol ng iyan si Shane at yumakap ng mahigpit sa ina. "Ayaw ko na pong bumalik sa kulungan!"Awang awa na hinagod ni Tanya ang likod ng anak. "I'm sorry, anak, wala akong nagawa upang mapalaya ka agad kahapon. Mga hayop sila, pagbabayarin ko sila ng mahal sa ginawa nilang ito sa iyo!"I hate them, mommy! Ayaw ko na rin kay daddy!" Patuloy sa pag iyak na ani Shane. Hindi siya nakatulog sa kulungan kagabi dahil malamig ang sahig at walang sapin kahit manipis na banig. Pero sobrang maalinsangan din dahil wala kahit fan. Ang akala niya ay magtatagal pa siya roon. Kung mangyari iyon ay baka mas mauna pa siyang mamatay sa ama niya. Nagmakaawa siya sa ama at kapatid kahapon na pakawalan siya ngunit hindi naawa ang mga ito. Magkaibang selda din sila ikinulong ni Sergio kaya wala siyang nakakausap."Ano ba ang nagyari? Totoo bang kasama mo si Sergio na nakulong?" nag aalalang tanong ni Tanya. Pinunasan muna ni Shane ang luha sa mga mata bago kinuwento sa ina ang lahat ng nangyar
Magbasa pa