"Kumusta ang ama mo, hija? Bakit hindi ka humingi ng tulong sa kaniya?" tanong ni Lolita.Lalo lamang dumilim ang anyo ni Kiana pagkarinig sa pangalan ng ama. "May sarili na siyang pamilya, nay."Nangunot ang noo ni Lolita, "bata pa siya, hija kaya normal lang na naghanap siya ng makasama sa buhay dahil wala na ang iyong ina."Mapait na ngiti ang humulma sa labi ni Kiana. "May anak sila at mukhang mas matanda pa sa amin ng ilang buwan."Gulat at hindi makapaniwalang nakatitig si Lolita sa dalaga. "Sigurado ka na anak niya iyon?"Bumuntong hininga si Kiana saka tumango. Hindi na siya naglihim sa ginang upang maintindihan siya kung bakit nadagdagan ang galit niya ngayon.Malungkot na niyakap ni Lolita ang dalaga. Hindi niya lubos maisip na matagal nang nagloko si Troy sa asawa nito noon. Never niyang nakitang may malaking away ang mag asawa noon lalo na ang tungkol sa pagiging mag asawa ng mga ito. "Nay, hindi naging maganda ang buhay ni Karen sa piling ng asawa niya. Ginawa siyang ka
Last Updated : 2025-11-11 Read more