May kasunduan sina Mary Joy at Javier na magkikita isang beses kada linggo. Kahit na galit siya, wala siyang choice kundi pumunta sa apartment.Pagdating sa pinto, huminga siya nang malalim, tinipa ang password at binuksan ang pinto.Nakasuot ng gray na pambahay si Javier, nakasandal sa sofa na parang nakapikit lang. Nang marinig ang tunog ng pinto, tumingin siya kay Mary Joy, tahimik ang mga mata, walang halong emosyon.Dahan-dahang pumasok si Mary Joy sa sala, umupo sa single sofa, walang imik. Tahimik ang paligid. Hindi rin siya pinansin ni Javier, kumuha lang ito ng baso, nilagyan ng red wine at uminom mag-isa.Lumipas ang sampung minuto, pareho pa rin silang tahimik.Pakiramdam ni Mary Joy, wala sa mood si Javier ngayon. Siguro kasi kagabi lang sila nagtalo, at tinawag pa siyang tanga.Tumingin siya at nagsabi, “Kung wala naman akong gagawin dito, uuwi na lang ako.”Tumayo siya at dumaan sa harap niya, pero bigla siyang hinawakan ni Javier sa pulso.Sa isang iglap, nahila s
Read more