KELLY JOANNEHabang nakatingin ako sa anak ko ay parang dinudurog ang puso ko. Nasasaktan ako na makita na umiiyak siya. Hindi ko kayang makita na ganito ang anak ko kaya naman lumapit ako sa kanya at niyakap ko siya.“Wag ka ng umiyak, baby. Please, ‘wag ka ng umiyak,” umiiyak na sabi ko sa kanya.“Sorry po, mommy.”“Hindi ako galit sa ‘yo. Hindi ko kayang magalit sa ‘yo dahil mahal na mahal ka ni mommy. Pero hindi ko naman puwedeng palampasin ang ginawang pagsisinungaling ng daddy mo sa akin,” sabi ko sa kanya.“Tatanggapin ko ang galit mo sa akin, love. Alam ko na mali ako, ‘wag lang kayong lumayo sa akin,” sabi ni daddy ninong na nakaluhod pa rin ngayon.“Tumayo ka na d’yan! Hindi na ako aalis pero hindi pa rin tayo okay dahil naiinis pa rin ako sa ‘yo,” sabi ko sa kanya.“I understand, love,” sabi niya at hinalikan niya ako sa noo.Lumabas na siya at naiwan kaming dalawa ng anak ko. Pinunasan ko ang luha niya. Dahil ayaw ko na umiiyak siya, ayaw ko na nalulungkot siya. Kaya naman
Last Updated : 2026-07-11 Read more