KELLY JOANNE“Ano ang nangyari sa inyo?” hindi makapaniwala na tanong ko sa kanila.“Bakit ba kayo umiiyak?” tanong ko sa kanila ulit dahil nag-iiyakan sila.“Bakit ka ba bumalik agad? Nag-uusap pa nga kami eh,” masungit na sabi ni daddy sa akin para lang takpan ang pag-iyak niya.“Nag-alala kasi ako, akala ko kasi ay nagsusuntukan kayo,” sabi ko naman.“Mukha ba kaming mga basag-ulo?”“Malay mo, sinaktan mo nga siya kagabi,” sabi ko naman.“Galit ako kaya ko ‘yon nagawa. Kasalanan naman niya. Kaibigan ko siya at ninong mo siya tapos jinowa ka. Kaya sino ang hindi magagalit? Pangalawang tatay mo na siya ‘yon pala gusto niya maging tatay ng anak niyo,” sabi pa ni daddy kaya napangiti ako dahil alam ko na inis na inis siya pero mahal naman niya ang kaibigan niya. “Sige, labas na muna ako. Ipagpatuloy niyo na lang ang heart to heart niyo na pag-uusap,” sabi ko sa kanila.“Tapos na, bahala na kayong dalawa,” sabi ni daddy sa akin at tumayo na siya para umalis.“Sure ka po, dad?” tanong ko
Terakhir Diperbarui : 2026-05-25 Baca selengkapnya