KELLY JOANNE“Grabe ka naman sa pabulok na. Kaya ko pang gumawa ng isang basketball team,” sabi naman ng daddy niya.“So, when ang kasal, dad?”“Pag-uusapan pa namin,” sagot ni daddy ninong.“Habang fresh ka pa ay dapat na asikasuhin mo na, dad,” natatawa na sabi ni Mavie kaya tumawa na rin ako.“Grabe ka naman sa akin. Mas pabulok naman ang isa d’yan kaysa sa akin–”“Dinamay mo na naman ako. Hindi mo alam kung anong panlalait na ang nilunok ko galing sa anak mong laitira,” sabi naman ng daddy ko na tinamaan agad dahil talagang nagreact siya agad.“Honest lang ako–”“Sinungaling ka dahil hindi naman ako gorilla,” sabi ni daddy kaya ako na itong tawang-tawa sa kaibigan ko.“Isa ka sa kanila–”“Kaunti na lang talaga ang pasensya na mayroon ako sa anak mo, Charlie.”“Mavie, anak, ‘wag mo namang ganyanin ang future father-in-law ko. Dapat ay may galang ka sa nakakatanda,” sabi naman nitong katabi ko kaya feeling ko kawawa naman ang daddy ko.“Tigilan mo na nga ‘yan. ‘Wag mo na akong galang
Last Updated : 2026-08-20 Read more