Isabela’s POVMaaga kaming nagising ni Liam, tila ba kapwa kami hinahabol ng oras. Walang magarbong puting gown, walang mahabang listahan ng bisita, at walang malalakas na kanta. Sa loob ng Municipal Hall, sa harap ng isang judge at iilang saksi, mabilis na naganap ang seremonya. Ngunit sa bawat salitang binibitawan namin, tila nayayanig ang buo kong pagkatao. At sa isang iglap, bago pa man tumirik ang araw, tapos na.Isa na akong ganap na Mrs. Isabela Alcantara-Tejero.Hindi mawala ang ngiti ko habang nakatingin sa wedding ring na nasa daliri ko. Napakasimple nito, ngunit ang bigat ng kahulugan ay tila sapat na para punan ang anim na taon naming pagkakalayo. Ang kislap ng ginto sa ilalim ng sikat ng araw ay tila nagsasabing.. "Sa wakas, pag-aari mo na siya, at pag-aari ka na niya."Nasa loob na kame ng kotse at pauwi dahil naghihintay sila mommy at Maeva sa bahay para sa aming lunch. “Misis ko...” malambing na bulong ni Liam sa tabi ko.Naramdaman ko ang kanyang mainit na hininga
Ler mais