Liam’s POVNaramdaman ko ang marahang pagtapik ni Isabela sa kamay kong nakapulupot sa kanyang beywang. Tiningnan niya ako nang may malambing na ngiti, ang mga mata ay tila nakikiusap na magpaka-good boy muna ako sa harap ng mga bisita namin.“Seloso ng asawa ko,” bulong niya sa akin bago bumaling sa lahat. “Halikayo, doon tayo sa showroom sa kabilang parte ng bahay. Nandoon lahat ng natapos kong gowns at suits.”Nauna nang maglakad si Isabela kasama si Casey na excited na excited na. Sumunod naman si Sean na prenteng-prente ang lakad, habang kami ni Hudson ang naiwan sa likuran.“Bro, hinay-hinay lang sa pagsubaybay ng tingin kay Sean. Baka matunaw ang biyenan, este, ang bayaw mo,” tukso ni Hudson sa tabi ko sabay siko sa braso ko.“Tsk. Kung hindi lang kapatid ni Isabela ’yan, matagal ko nang pinalayas ’yan sa pamamahay ko,” seryoso kong sagot na ikinatawa lang nang tahimik ng kaibigan ko.Pagpasok namin sa malawak na showroom ni Isabela, nanuot agad ang amoy ng mga mamahaling tela
Read more