Liam’s POVPagkatapos mamatay ng video call, binitiwan ni Isabela ang kaniyang cellphone at huminga nang malalim. Bago pa man siya tuluyang makabangon sa kama, mabilis ko nang hinila ang kaniyang beywang pabalik.“Liam!” nagulat ngunit natatawa niyang saway nang mapahiga siya sa aking dibdib.Yinakap ko siya nang mahigpit, ibinaon ko ang aking mukha sa kaniyang leeg, at nanamnam ang pamilyar niyang bango. Sa wakas, solo ko na rin ang asawa ko. Walang Maeva na nagpapakuryente sa screen, at lalong walang Sean Vance na sumisira sa diskarte ko.“Mine, kailangan sa akin magmana ang baby na ito,” bulong ko, habang ang isang kamay ko ay dahan-dahang bumaba patungo sa kaniyang patag pa na tiyan. Hinaplos ko iyon nang marahan, marubdob, na tila ba nagmamarka na agad kung sino ang nagmamay-ari sa kanila. “Kailangang mapatunayan natin sa hambog mong kapatid kung sino ang mas gwapo sa aming dalawa. Hindi pwedeng makuha niya ang bragging rights.”Naramdaman ko ang pagka-uga ng kaniyang balikat dah
Ler mais