Pagdating nila sa office ay nandun na si Rolan at ang dalawang lalaki. Sabay pang tumayo ang mga ito.“Maupo lang kayo.” Ani naman ni Asher kaya muling naupo ang dalawa. Nagtsatsaa pa ang mga ito pagdating nila. Naupo si Asher sa pang-isahang sofa habang si Claire ay si Rolan ang katabi sa mahabang sofa.“Pinatawag ko kayo dahil may gusto akong malaman. Nakakareceive ng email si Claire pero pagkatapos niyang mabasa ang mga email kusang nadedelete ang mga yun. Is that even possible?” walang paligoy-ligoy na saad ni Asher.“Yes, Mr. Cruz. That is possible lalo na sa technology na meron tayo ngayon. Masyado ng advance ang technology natin. Anyway, I’m Jude and this is Aeron.” Sagot ng isang lalaki.“Kung ganun, paano nila kami natetrace? Alam nila ang bawat kilos namin, alam nila kung nasaan kami.” Pagpapatuloy ni Asher.“Pwede ko bang hiramin ang mga personal phone niyo?” mabilis namang kinuha ni Claire ang cellphone niya sa bag at ibinigay ito kay Jude. Masyado mang personal ang cellph
最終更新日 : 2026-02-07 続きを読む