Busy silang lahat na magprepare ng mga dadalhin nila sa private island na iniregalo kay Claire. Nasa sofa naman si Claire at naghihintay sa pamilya niya na naggagayak. Hindi naman siya pinapakilos ni Asher dahil malaki na rin ang tiyan niya.“Mommy!” rinig ni Claire sa boses ni Sofia, nilingon niya ito. Binitiwan ni Claire ang hawak niya para buhatin si Sofia.“Hello baby ni mommy. Kumusta ikaw? Are you excited?” nakangiting tanong ni Claire. Mabilis namang tumango si Sofia.“Mommy, is there a pool there?” inosenteng tanong ni Sofia.“Oo naman, may malaking pool dun at may dagat din. Pwede kang maligo dun pero dapat palagi mong kasama si Ate Andeng, okay? Hindi ka pwedeng umalis ng hindi siya kasama. Do you understand?” habilin ni Claire.“Opo, mommy. I will remember what you said po.”“Very good,” ginulo ni Claire ang buhok ni Sofia. Nagpaalam naman muna si Sofia dahil may kukunin pa ito sa room niya. Napapangiti na lang si Claire dahil ang bilis ng panahon. Parang kailan lang, nahih
ปรับปรุงล่าสุด : 2026-02-27 อ่านเพิ่มเติม