Iminulat ni Asher ang mga mata niya. Pinilit niyang tumayo saka isinuot ang polo niya.“Tang ina, hindi ito ang pinag-usapan natin, Yvonne. You bullshit!” nanggagalaiting saad ni Asher. Ramdam na ni Asher ang init ng nararamdaman niya. Hindi lang basta bastang init ng katawan ang nararamdaman niya. Hindi aircon o yelo ang kailangan niya, iba ang hinahanap ng katawan niya.Bumangon na si Asher pero pag-angat ng ulo niya ay nakita niya si Claire. Naningkit ang mga mata niya. Sinisigurado niyang si Claire nga ang nakikita niya.“Claire?” usal niya. Ipinilig ni Asher ang ulo niya saka muling tiningnan ang babaeng nasa harapan niya. Sumeryoso ang mukha niya ng hindi na si Claire ang nasa harapan niya.“Yvonne, tang ina mo.” Malutong niyang mura. Matamis namang ngumiti si Yvonne. Kailangan na talagang umalis ni Asher dahil hindi na maganda ang nangyayari sa kaniya. Baka kung ano pang magawa niya kay Yvonne kapag nanatili siya sa kwartong kinaroroonan niya.“Mahiga ka muna, you need to rest.
Última atualização : 2026-02-16 Ler mais