Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. Hinaplos ko ang mukha ko. Bakas na ang mga wrinkles sa akin kahit na 26 pa lang ako. Hindi ko na rin nagagawang ayusan ang sarili ko. Maputla ang mga labi ko, malalalim ang mga mata ko, malalaki ang eyebugs ko. Sa itsura ko para bang nasa 40s na ako at para bang stress na stress sa buhay. Tipid akong ngumiti. Paano ko napabayaan ang sarili ko ng dahil lang sa pagmamahal? Sa tatlong taon naming pagsasama ni Gabriel, okay naman ang lahat, naging masaya namin kami. Kaming dalawa ang magkasama sa tuwing may occasion. Bumalik lang si Mia, nakalimutan niya na kaagad ang lahat ng yun?Ako ang nag-aasikaso sa kaniya paggising niya sa umaga hanggang bago siya matulog. Ganun lang ba talaga ako kadaling kalimutan? Ni wala na akong oras para sa sarili ko para lang maibigay ko ang lahat ng kailangan niya.Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko. Sa tingin ko, kailangan ko ng alagaan ang sarili ko. Wala man lang akong maayos na damit, kailan nga ba
Last Updated : 2025-10-22 Read more