“Claire, masyadong mabigat ang ibinibintang mo sa kapatid mo. Are you sure about that?” tanong na rin ni Naomi na nagugulat sa mga nalalaman niya. Tiningnan ni Claire ang kaniyang ina.“Mom, hindi ko kailangan kung paniniwalaan mo ako o hindi. Gusto kong malaman mula kay Mia bakit gusto niya akong ipapatay.” Galit na baling ni Claire sa kanilang ina. “Hindi ako susugod dito ng wala akong proweba o ebidensya.” Natahimik naman si Naomi.Muling hinarap ni Claire si Mia.“Ngayon, sabihin mo sa akin Mia. Bakit binalak mo akong ipapatay two years ago?” May diin na tanong ni Claire. Galit na galit pa rin. Iniwas ni Mia ang paningin niya.“Wala akong alam sa sinasabi mo, Claire! Itigil mo na ang pagbibintang sa akin!” akma na sanang aalis si Mia nang hawakan ni Claire ito sa braso. “Claire, ano ba!” angil ni Mia dahil masakit ang pagkakahawak ni Claire sa braso niya. Sa sobrang higpit ay bumaba/on na ang mga kuko ni Claire sa braso ni Mia.“Sagutin mo ako, Mia, kung ayaw mong mga pulis pa ang
最終更新日 : 2026-02-13 続きを読む