Drake's POV " Kailan ka pa dito,Drake? " masayang tanong niya sa akin. Hindi na ako makapagsinungaling. Hayaan ko ng magalit siya sa akin. " Actually, kahapon lang din,little kitten. Nakasunod lang ako sa inyo." Nagulat naman ang reaksiyon niya," Aray!..." mabilis na bulalas ko nang agad niya akong dinibdiban. Ito yata ang isang dahilan kung bakit mahal ko ang little kitten na ito. Masyado siyang mapanakit kapag naiinis sa akin. Pero may kabayaran naman ito mamaya kaya okay lang. " Kainis ka,Drake!Bakit hindi mo sinabi di sana sa'yo nalang ako sasabay." aniya, na nakairap pa sa akin. Sarap na niyang paluhudin. Napakamot ako sa ulo," Na sa abroad sila mommy at may event sila, Thalia at Dianna. Kaya nagkaroon ako ng oras na makapunta dito. Pero hindi pwedeng malaman nila na nagkikita tayo dito, little kitten. Magulo pa ang sitwasyon.Ayaw ko na madamay kayo." Mahabang paliwanag sa seryoso na boses. Tahimik naman siyang tumango. Pero naiba na ang hilatsa ng mukha niya. "
Last Updated : 2025-12-09 Read more