Michelle's POV Nandito na kami sa loob ng sasakyan ni Kate. Ang sakit ng ulo ko gawa ng pagkasabunot sa akin ng malditang pinsan ni Kate na si Carlen. Halos matanggal na nga ang anit ko sa lakas ng pagkasabunot niya sa akin kanina sa parking lot. Tumawag pa si Drake sa akin pero hindi ko na nagawang sagutin pa siya. Ayaw kong malaman pa niya ang nangyaring sabunutan sa pamagitan sa amin ni Carlen. Narinig ko ang pagbuntong-hininga ni Kate nang makapasok na siya sa loob ng sasakyan. " Are you okay, Michele?Look,I'm really sorry for this trouble.Nahihiya ako sa ginawa ni, ate Carlen, sa inyo," malungkot na wika ni Kate. " Naku! Maldita lang talaga iyong pinsan mo,Kate. Ang layo ng ugali ninyo. Bwesit siya, sinabihan pa ako ng dugyot.Sabi nga sa akin ni, papa Drake, mabango daw ako," walang prenong wika ko. Nakita ko naman na natigilan si Kate sa sinabi ko. Kaya napakamot ako sa aking ulo. " Sorry...joke lang iyon," sabay bawi ko sa sinabi ko. Ayaw ko munang dagdag ang isipin
ปรับปรุงล่าสุด : 2025-12-23 อ่านเพิ่มเติม