“Akala ko ba dinner lang ’to?” gulat kong tanong nang pagbukas ko ng pinto ng isang private lounge sa Makati, bumulaga sa akin sina Rina, Cristy, at si Yssa na may hawak na "Bride-to-Be" sash.“Surprise! Ano ka ba, Elara? Hindi pwedeng ikakasal ka nang walang bachelorette party!” tawa ni Cristy sabay suot sa akin ng sash at isang mini veil.The night was filled with drinks, non-stop chismis, at mga katrabaho kong todo-bigay sa sayawan. For the first time in weeks, nakahinga ako. Pakiramdam ko, hindi ako ang EVP ng Montesilva Holdings kundi isang normal na babaeng malapit nang ikasal sa lalaking mahal niya.Pero ang tawanan ay medyo nahinto nang bumukas ang pinto at pumasok si Zerina.Naka-ismid siya, suot ang kanyang usual designer outfit, at agad na umirap nang magtama ang paningin namin. Napahinto ang music.“Zerina? Anong ginagawa mo rito?” I asked, trying to stay polite.“Well, Tito Tim asked me to check if you’re already making a scandal before the wedding,” pabalang niyang sagot
Last Updated : 2026-02-02 Read more