“What the hell did you do to my friends?!” Padabog akong pumasok sa opisina niya.Natigilan ako nang maabutan kong nandoon si Mommy at kausap siya.“Justine! Ang ugali mo,” mahinang saway ni Mommy. “Please forgive her attitude, Tim.”Halos magpanting ang tenga ko nang marinig ko ang pangalan niya mula sa bibig ni Mommy.“I told Tim to take action regarding your friends. Hindi sila magandang ehemplo sa’yo, hija,” paliwanag ni Mommy.I scoffed. “Really? At kayo? Magandang ehemplo?”“Justine!” Tumaas na ang boses ni Mommy.Napairap ako saka tinuon ang tingin kay Timothy, na busy-busyhan sa computer. “Bakit suspended sila Nico?” tanong ko.“Because they violated the rules of your school,” he stated, not even sparing me a glance.“Eh wala namang may alam kung hindi may nagsumbong!” pasigaw kong katwiran.“Just, tone down your voice,” nanlalaki na ang mata ni Mommy sa pagsaway.Umiling ako. “You reported them,” bintang ko.“Of course, I did. Drinking, smoking, and cutting classes—all in the
Last Updated : 2025-10-19 Read more