"Sigurado ka, okay ka lang?" tanong ko sa kanya kinaumagahan.Tumango siya, ngumiti ngunit hindi iyon umabot ang ngiting iyon sa kanyang mga mata."Nagfile naman ako sulat sa Falcon para makapagpahinga ka na muna."Umiling siya."Ayos lang ako," mahina lang ang boses niya na walang kabuhay buhay,Nagpakawala ako ng malalim na paghinga saka ko siya hinila at niyakap. Ikinulong ko ulit siya sa aking mga bisig."Papayag akong pumasok ka, pero huwag mong tatanggihan ang mga tauhan ko na samahan ka." sabi ko na lang sa kanya.Tumango naman siya."At tungkol sa Amara na iyon...""Don't touch her. I will deal with her later." Putol niya sa sinasabi ko.Nailayo ko siya sa akin at tinitigan."Pasensya na, nag alala ka pa sa akin kagabi.""No! It's my duty to take care of you, baby. And you are brave enough to give yourself the strength to fight yesterday."Ngumiti ulit siya. Sa pagkakataong iyon ay nagbago na ang kislap ng kanyang mga mata. Kaya nabawasan ng kaunti ang pag aalala ko sa kanya.
Huling Na-update : 2026-01-14 Magbasa pa