QUEEN PEPPER "Patawad, Hades..." nanunubig ang mga mata kong sinabi at nag-angat ng tingin sa kanya nang harapin ko siya. "Sumusuko ka na agad?" May bahid pait sa tono ng boses niya at hindi matanggap ang pasya ko. "Kung... kung ipagpapatuloy natin ang relasyon natin, mawawala ang Lola ko sa akin—" "She will accept us soon." Hinawakan niya ang pisngi ko kaya napahilig ako rito na tila isang maamong pusa. Gustong-gusto ko sa tuwing hinahawakan niya ako at kita ko ang paglamlam ng mga mata niya, alam niyang labag sa loob ko ito pero ano bang maaari ko pang gawin? "Galit lang ang Lola mo pero kalaunan matatanggap din niya, hindi totoong kaya ka niyang talikuran, she wouldn't do that, you're the only family she has." Umiling ako. "Mas kilala ko ang Lola ko, kapag sinabi niya ginagawa niya kaya..." Sinikap ko wag mabasag ang boses. "Kailangan na siguro nating itigil ito, Hades." Pero napapitlag ako nang bigla siyang mapamura sabay tumayo, nagpamaywang siya sabay hilot ng n
Terakhir Diperbarui : 2025-11-19 Baca selengkapnya