Mag-uumaga na nang makarating kami sa airport. Ang sabi ni Lazarro, may private jet daw siya na maghahatid sa amin sa Russia kaya hanggang ngayon tuloy ay nagtataka ako kung paano siya nagkaroon ng private plane. Tinanong ko siya kung mayaman ba siya sa Russia at bakit may sarili siyang plane, mas mayaman ba siya kaysa kila Tomi? Isa pa, iyong mga suot niyang damit at mga alahas niya, mukha ring mga branded. Hindi naman ako ignorante para hindi malaman na branded ang mga gamit niya. Pero imbes na sagutin ako, tinawanan lang niya ako. May lalaking naghihintay sa amin sa bungad ng private plane ni Lazarro. Nakasuot ito ng itim na t-shirt at pants, itim din ang sapatos niya. Parang si Lazarro lang ngayon, ang pinagkaiba lang nakasuot ng black leather jacket si Lazarro.Kaninong lamay ba ang pupuntahan nila?Hindi ko makita ang kabuohang itsura nito kanina sa malayuan, pero ngayong malapitan parang gusto ko na lang muling lumayo sa kaniya.He's so scary! I mean, Lazarro was also scary
Last Updated : 2026-04-12 Read more