Home / Romance / The Face She Borrowed / Chapter XXVII - Singing

Share

Chapter XXVII - Singing

Author: ErisVersee
last update Last Updated: 2025-11-19 12:06:37

Naisip ni Mirella ang isang bagay na hindi niya dapat iniisip pero hindi niya mapigilan.

Cassian gets affected.

Tuwing may lalaking lumalapit sa kaniya, iba ang tingin ng lalaki. Sumisikip ang panga nito at nagsasara pa ang kamao. At oo, nagseselos nga ito. Alam niya at ramdam niya. At hindi siya maaaring magkamali. Ganoon na ganoon ang titig nito noong nasa Bali sila, mga titig na parang ayaw siyang maagaw kanino man.

Kung hindi niya kayang lumapit sa puso ni Cassian ngayon, baka kaya niyang gisingin ito.

Kaya nabuo ang plano niya. Isang delikado, mapanganib, pero kailangan niyang subukan.

Ang makuha si Cassian.

Habang nasa villa sila, biglang lumapit ang impostora kay Cassian, nakayakap sa braso nito na para bang gusto talagang ipamukha kay Mirella kung sino ang ‘may-ari’ sa lalaki.

“Bar tayo mamaya?” tanong ng impostora. Tila sabik na sabik.

Cassian sighed, pagod na pero nagpipigil pa rin. “You are going to sing?”

“Huh?! Hell no!! Bakit ko naman gagawin yun?”

Ca
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • The Face She Borrowed   Chapter XXVII - Singing

    Naisip ni Mirella ang isang bagay na hindi niya dapat iniisip pero hindi niya mapigilan. Cassian gets affected. Tuwing may lalaking lumalapit sa kaniya, iba ang tingin ng lalaki. Sumisikip ang panga nito at nagsasara pa ang kamao. At oo, nagseselos nga ito. Alam niya at ramdam niya. At hindi siya maaaring magkamali. Ganoon na ganoon ang titig nito noong nasa Bali sila, mga titig na parang ayaw siyang maagaw kanino man. Kung hindi niya kayang lumapit sa puso ni Cassian ngayon, baka kaya niyang gisingin ito. Kaya nabuo ang plano niya. Isang delikado, mapanganib, pero kailangan niyang subukan. Ang makuha si Cassian. Habang nasa villa sila, biglang lumapit ang impostora kay Cassian, nakayakap sa braso nito na para bang gusto talagang ipamukha kay Mirella kung sino ang ‘may-ari’ sa lalaki. “Bar tayo mamaya?” tanong ng impostora. Tila sabik na sabik. Cassian sighed, pagod na pero nagpipigil pa rin. “You are going to sing?” “Huh?! Hell no!! Bakit ko naman gagawin yun?” Ca

  • The Face She Borrowed   Chapter XXVI - Cebu

    Hindi naging madali para kay Mirella na kuhanin muli ang loob ni Cassian. Kahit araw-araw silang nagkikita sa mansyon, nananatiling malamig ang pakikitungo nito sa kaniya, parang estrangherong nakikitira lamang siya sa buhay ng lalaking minsang naging sandigan niya. Wala itong ibang inaatupag kundi ang babae… ang impostorang gumagamit ng mukha niya. Mula sa sala, naririnig niya ang maarte at puno ng panunumbat na boses ng babae. “Hindi ka pa ba kakain?” tanong ni Cassian. “Ayoko! Wala akong gana.” pagmamaktol ng babae, halatang sanay na siya ang sinusunod. Mirella stood quietly behind the couch, pinipilit maging invisible habang pinapanood ang tagpong parang mga patalim na tumatama sa dibdib niya. “Ano bang gusto mong gawin ko?” tanong ni Cassian, halos nagmamakaawa na. “Cassian… you know what I want.” “Ginagawan ko naman ng paraan, but the board members had their final decision.” “And you can’t do anything about it?” The woman’s voice sharpened like a spoiled chil

  • The Face She Borrowed   Chapter XXV - The Mother’s Decision

    “Mom, what have you done?” Galit na sigaw ni Cassian mula sa kabilang linya ng kaniyang telepono habang padabog na sinarado ang pinto ng opisina niya. Ramdam pa rin niya ang init ng dugo mula sa meeting at ang kawalan niya ng kontrol sa naging desisyon ng board. Kaagad namang umalis ang impostorang si Mirella dahil sa pagkapahiya nito kanina. “What is it, Cassian?” tanong ng mommy niya. Hindi na niya napigilan ang sarili. “The marriage, Mom! Ang kasal namin ni Eleanora—LEGAL daw. Legal! Ano ‘tong narinig ko sa abogado ko?!” May maikling katahimikan sa kabilang linya, parang naghinay-hinay ang mommy niya bago nagsalita. “Yes. I made it legal.” Napakuyom ang kamao ni Cassian. “Why would you do that, Mom? Bakit mo ginawa ‘yon nang hindi ko alam?!“ Mariin ang sagot ng mommy niya, walang bakas ng pagsisisi. “Because you needed to grow up, Cassian.” Napaatras si Cassian, hindi makapaniwala sa sagot ng ina. “What?!” “Pinoprotektahan lang kita. Alam ko ang ginagawa m

  • The Face She Borrowed   Chapter XXIV - Head of ZMP

    Masayang-masaya ang impostorang si Mirella habang inaayos ang sarili sa harap ng salamin bago pumasok sa Zobel Model PH building. Sa bawat ayos ng buhok at lagay ng lipstick, ramdam niya ang matamis na tagumpay. Sa wakas, mapapasakanya na rin ang ZMP—ang kumpanyang minsan ay hawak lang niya, ngunit kailanman ay hindi niya tuluyang nakontrol dahil sa impluwensiya ni Cassian. Ngunit ngayon, ibang-iba na ang sitwasyon. Alam niyang hawak na niya ang lahat. Ang mukha, ang pangalan, at higit sa lahat, ang puso ng lalaki. Sa isip niya, ‘Konting panahon na lang at magiging asawa na rin ako ni Cassian. Wala nang makakapigil pa sa mga plano kong pabagsakin siya.’ Pagbukas niya ng pinto ng gusali, agad siyang sinalubong ng malamig na hangin mula sa aircon at ng mga pamilyar na titig ng mga empleyado. May ilan ang napahinto sa paglalakad, napabulong sa isa’t isa, at may mga matang sumunod sa bawat kumpas ng kanyang hakbang. “Si Mirella ba ‘yon?” takang tanong ng isang empleyado. “Patay

  • The Face She Borrowed   Chaptee XXIII - Start the Game

    Habang pinupunasan ni Mirella ang marmol na mesa sa sala, napatingin siya sa malalaking larawan nina Cassian at Eleanora sa dingding. Dati, sa bawat tingin niya roon ay tila may kumikirot sa dibdib niya. Ngunit ngayon, natutunan na niyang sanayin ang sarili na huwag magpa-apekto. Alam niyang dapat na siyang magsimulang maghanap ng kasagutan kung bakit baliw na baliw si Cassian sa dati nitong mukha gayong mag-asawa sila ni Eleanora. Hindi man naiitindihan ni Mirella ang mga nangyayari sa ngayon, ngunit kaylangan na niyang kumilos para alamin ang totoo. Gustuhin man niyang iwanan ang buhay niya noon ngunit kung hindi niya haharapin ang nakaraan, patuloy lang siyang magtatanong sa sarili habang unti-unting kinakain ng takot at kawalang-katiyakan ang buong pagkatao niya. Pinanganak siyang may alam sa tama at mali. At kung may umaabuso sa kanya, alam niyang panahon na para lumaban. Ngayon, hawak man ng impostora ang mukha nito, at hawak din niya ang mukha ni Eleanora, siya pa rin ang tu

  • The Face She Borrowed   Chapter XXII - Maid

    Isang umaga, pagod at may pasa sa tuhod, nagising si Mirella sa malamig na dampi ng hangin. Mabigat ang talukap ng mga mata niya. Nang tuluyan niyang maimulat ang mga mata, hindi niya nakita ang gintong kurtina ng kanyang silid, ni ang malambot na kama kung saan siya madalas gumising. Sa halip, naroon siya sa isang makitid na kwarto, may sira-sirang aparador, amoy ng sabon, at liwanag mula sa isang bombilyang kumikislap. Ang sahig ay malamig na semento, at sa tabi ng kama, may lumang timba at mop. Nang mapatingin siya sa salamin, muntik na siyang mapahawak sa dibdib. Ang babaeng nakatingin pabalik sa kaniya ay hindi naman talaga siya, ngunit hindi na siya ang babaeng dating nakasuot ng mga alahas at silk na damit. Nakasuot siya ng uniporme ng kasambahay—puti at abong kulay na may kupas na burda sa laylayan. Sa kanyang dibdib nakasabit ang name tag na “Lea”. Nanginig ang kanyang labi. “Ano ’to...?” mahina niyang tanong. “Gising ka na pala, Mirella.” Mabilis siyang napalingon. Sa ma

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status