Tasya's Point of View"Tasya, ano ka ba, ang tigas ng ulo mo talaga. Sinabi ng huwag ka ng pumunta sa maisan at baka mapaano ka pa," pagalit na ika ni Tatay Simeon. Nasalubong ko siya pabalik na at ako naman ay papunta pa lamang. "Tay, gusto ko lang mag-exercise," sabi ko. Medyo bagot na rin ako sa bahay. Gusto ko ng ibang environment. "Tasya, baka maaksidente ka. Alam mong hindi maganda ang daan sa maisan..."Tama si Tatay Simeon. Pabundok kasi ang maisan na nabili ko. Mas mura kaysa sa patag na lugar."Halika na. Balik na tayo..." ika ni Tatay Simeon. Iginiya ako pabalik sa bahay. Hindi pa naman ako nakalalayo.Napailing na lang ako. "Ikaw nga itong may sakit, Tatay. Pero ikaw pa itong lagi sa maisan..." sabi ko. May katulong naman siya doon. Mas gusto lang niya talaga na laging nakabantay. Mahilig talaga siya sa tanim. Sabagay, mas naging healthy nga si Tatay ngayon. Nakatulong ang bagong lugar. "Kailangan kong maging malakas. Aba, ayaw ko pang iwan ang nanay mo. Pati ikaw at m
ปรับปรุงล่าสุด : 2026-02-07 อ่านเพิ่มเติม