REINNA “Wow, almusal! Tamang-tama hindi pa ako nag-almusal,” sambit ni Kyle nang mapatingin ito sa mesa. Napangiti naman si Reinna sa binata nang tumingin ito sa kanya. “Tita, pwede bang makikain muna rito?” tanong ni Kyle. “Yes.” “No!” Magpanabay sa bigkas nina Reinna at Z sa magkaibang sagot nila sa tanong ni Kyle. “Thank you, Tita. Ang bait nyo at ang ganda-ganda nyo pa po,” papuri ni Kyle habang may malapad na ngisi sa labi. “Kakain ka lang naman ng libre dami mo pang sinasabi,” inis na singit ni Z at tumalikod sa kanila. Tiningnan naman ni Reinna ang inaanak niya dahil bigla atang uminit ang ulo nito kay Kyle. E, kaibigan naman nito ang binata. Mahinang napabuntong hininga si Reinna at inaya na si Kyle sa mesa para mag-almusal. Iniwan na rin kasi sila ni Z at nauna na ito sa kanila. “Thanks sa plato, dude,” wika ni Kyle nang ilapag ni Z ang plato sa mesa. Akmang uupo na sana si Kyle nang pigilan ito ni Z. “Opss! Kay ninang Rei pwesto ‘yan diyan. At iyong plato? Andun
Terakhir Diperbarui : 2025-11-23 Baca selengkapnya